Sabado, Nobyembre 5, 2011

Ano ba ang sigbin?


Ano nga ba ang sigbin? eksistido ba talaga ang nilalang na ito o sadyang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng mga Pilipino. Saan ba ito nagmula o maaring sabihing saan at kelan ba talaga nagsimulang kumalat ang paniniwala ukol sa kakaiba at nakakatakot na nilalang na ito? Ilalahad ko po sa inyo ang  pinagmulan ng paniniwala ukol sa kakatuwang nilalang na ito sa abot po ng nakayanan kong saliksikin.

Ang sigbin ayon po sa mitolohiyang  kabisayaan ay isang nilalang na nasa anyong hayop.Ito po ay may ulong kahawig ng kambing na nagtataglay ng malaki at mahabang tenga na umaabot sa lupa.Ang tengang ito ay inihahampas niya sa lupa upang lumikha ng kakaibang tunog.Ang unahang mga paa po nito ay maiiksi samantalang ang mga binti nito sa hulihan ay mahahaba kung kayat ang tindig po nito ay nakayuko lagi habang nakasayad sa lupa ang malalaking tenga.Pinaniniwalaang nahahawig din ang nilalang na ito sa anyo ng kangaroo.

Sinasabing kung lumakad raw ang hayop na ito ay patalikod o paatras.Nagtataglay din daw ang nilalang na ito ng mahabang buntot gaya ng latigo at may masangsang na amoy.

Kung sa papaanong di mabilang na daang taon na ang paniniwala sa aswang ng mga Pilipino gayon din ang tinagal ng paniniwala sa kakaibang nilalang na ito.Dahil ang nilalang daw na ito ay pinaniniwalang siyang alipin o alaga ng mga tinatawag sa kabisayaan na "sigbinan" o yung mga asawang na pinagkalooban ng demonyo ng kapangyarihan na mapasunod ang hayop na ito.Itoy tintatago ng aswang sa isang sisidlang banga kasama ng nilalang na nasa anyong hayop din na kilala sa katawagang "wakwak".

May mga espekulasyon na  ang paniniwala sa nilalang na ito ay  mula din daw sa mga  "encounter" o "sightings" sa mga aktuwal na hayop na malaki ang pagkakatulad sa deskripsiyon nito na sadyang madalang makita.Gaya na lang ng pagkakatuklas sa isang lobong pusa sa isla ng borneo o yung tinawag nilang "cat-fox species"


Subalit mas malaki ang pagkakahawig ng diumano'y isang misteryosong  hayop na  nahuli sa Dry Gulch Oklahoma na kilala naman sa mitolohiyang katawagan sa bansang iyon bilang "chupa cabra"



Marami pa pong "sightings"  ang  ikinokonekta sa paniniwala ukol sa sigbin tulad na lang ng latest sightings nitong nakaraang July 21,2011 na namataan at nai-record sa  Juneau, County, Winconcin.

Sa inyo pong napanood tulad ng mga taong aktuwal na nakasaksi sa misteryosong hayop na ito at sa mga patuloy na naniniwala sa Sigbin na diumano'y alaga ng aswang, kayo na lang po ang bahalang humusga kung totoo ngang may sigbin na namumuhay kasama natin sa daigdig na ito na punong puno ng misteryo at kababalaghan dahil tayo'y nabubuhay sa pagitan ng puwersa ng dilim at liwanag.


7 komento:

  1. I want to know more about the philippine mythology

    TumugonBurahin
  2. I want to know more about the philippine mythology

    TumugonBurahin
  3. Too Ang sigbin,dito sa amin may alaga kami rabbit,nawala ung ulo at ni dugo WLA Kang mkikita. SA iba purok,mga Manok nila namatay at nawalan dn ng ulo.

    TumugonBurahin
  4. Anu po ang mabisang paraan para mahuli o mapatay ang sigpin.. Madami po kasing kumekembot na sigpin sa probinsya namin sa Marinduque. Madami na pong napatay.. Pls help

    TumugonBurahin
  5. Anu po ang mabisang paraan para mahuli o mapatay ang sigpin.. Madami po kasing kumekembot na sigpin sa probinsya namin sa Marinduque. Madami na pong napatay.. Pls help

    TumugonBurahin
  6. Anu po ang mabisang paraan para mahuli o mapatay ang sigpin.. Madami po kasing kumekembot na sigpin sa probinsya namin sa Marinduque. Madami na pong napatay.. Pls help

    TumugonBurahin